Cong. Espino, pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng Sandiganbayan

Sinuspinde ng siyamnapung araw ng Sandiganbayan si Pangasinan 5th district Representative Amado Espino Jr.

Nag-ugat ang kasong kinakaharap ngayon ni Espino ay kaugnay sa umano’y illegal black sand mining sa Lingayen Gulf noong 2011 kung saan gobernador pa siya noon sa Pangasinan.

Sa desisyon ng anti-graft court, suspendido si Espino sa paggawa ng kaniyang tungkulin at pagtanggap ng mga prebilehiyo sa posisyon bilang mambabatas.

Nilinaw ng Sandiganbayan na ang suspensyon ni Espino ay hindi parusa bagkus ito ay resulta umano ng ginawa sa kaniyang paglilitis.

Matatandaan na nadawit din ang pangalan ni Espino sa drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*