Congressman Espino, nagpasalamat sa pagiging tunay na lider at maginoo ni Pangulong Duterte

Nagpapasalamat si Pangasinan Representative Amado Espino at pamilya nito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging maginoo nito at totoong lider.

Ang papuri ay ginawa ni Espino matapos bawiin at humingi ng sorry si Pangulong Duterte ng idawit ang kaniyang pangalan sa drug matrix at maging sa ilan pang lokal na opisyal na sina Raffy Baraan at Raul Sison.

Kasabay nito, nangako si Espino sa Pangulo na patuloy ang kaniyang suporta sa anti-drug at peace and order campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Espino, mas minabuti niya rin ang manahimik sa loob ng tatlong linggo sa paniniwalang siya ay mapapawalang sala sa alegasyon.

Nakabuti rin aniya ang kaniyang pakikipagpulong sa Pangulo noong Agosto a-trenta kung saan ipinangako ng Pangulo na kaniya itong ire-revalidate.

Speak Your Mind

*