Congressman Espino, umaasa na malilinis na ang kanyang pangalan sa usapin ng iligal na droga.

Umaasa ang kampo ni Pangasinan Repesentative Amado Espino na malilinis ang pangalan nito sa usapin ng iligal na droga.

Ito ay matapos mag-sorry si Pangulong Duterte kina Espino, Board Member Raul Sison, at dating Provincial Administrator Rafael Baraan matapos tukuyin ang mga ito na kabilang sa drug matrix.

Kasama ring pinangalanan ng Pangulo na sangkot sa drug matrix sina Senador Leila De Lima at dating Justice Undersecretary Francisco Baraan D’third.

Una na ring pinabulaanan ni Espino ang pagkakasangkot nito sa droga kung saan naging emosyonal pa ito noon sa pagharap sa media para linisin ang kaniyang pangalan.

Gayunpaman, binigyang diin ng Pangulo na sangkot pa rin sa Black Sand Mining ang mambabatas na ngayon ay may kinakaharap na kaso.

Speak Your Mind

*