Dagdag sahod sa Region 1, posible na umanong ipatupad sa susunod na linggo

Posible na umanong ipatupad ang pagdaragdag ng minimum wages o pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyong uno.

Pyon sa Departement of Labor and Employemnt o DOLE Region 1, posibleng ipatupad sa susunod na linggo ang karagdagang ₱27 sa mininum wage ng mga empleyado sa rehiyon.

Sinabi ni DOLE Regional Director  Henry John Jalbuna, inaprobahan na ng National Productivity and Wages Commission ang minimum wage order at kailangan na lamang itong ipublish batay sa nakasaad sa batas.

Pagkatapos aniya nang labing limang araw pagkatapos ma-publish ay magiging epektibo na ang dagdag sahod o umento sa sahod ng manggagawa sa rehiyong uno.

Nabatid na noong nakarang Hunyo 2016 pa huling nagpatupad ng minimum wage increase kung saan ₱253 ang sinusunod ng mininum wage sa rehiyon kayat dahil sa dagdag na ₱27 ay aabot na sa ₱280 ang mininum wage sa rehiyon.

Speak Your Mind

*