Dalawampung Mining Company sa bansa, pinapasuspinde ng DENR

Pinapasuspinde ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ang dalawampung Mining Company sa bansa.

Ayon kay Lopez, nakitaan nila ng paglabag sa siltation, kawalan ng permit sa pagpuputol ng puno at unsystematic sa paraan ng pagmimina.

Inihayag ni Lopez na wala siyang reklamo sa pagmimina, ngunit mariing tinututulan ang mga masamang epekto nito na aniya ay nangyayari na ngayon.

Pitong araw ang ibinigay sa nasabing mga Mining Company para magpaliwanag kung bakit hindi maaaring isara ang kanilang kompanya bago gumawa ng susunod na hakbang ang DENR.

Samantala, nakatakdang makipagkita ang kalihim sa mga Mining Firms bukas, upang ipaalam ang mga pumasa at bumagsak sa kanilang audit.

Speak Your Mind

*