Dating Sexy Star, arestado sa isang drug bust operation sa Quezon City

Arestado ang isang dating sexy star na si “Sabrina M” matapos ang isang drug bust operation sa Quezon City.

Si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay ay nahuli sa Palasugui Street sa Pasong Tamo, Quezon City kasama ang dalawang lalaki.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Si Pallasigue ay kilala na gumaganap sa mga sexy movies noong 1990s.

Ipinakita rin ng Quezon City Police District ang video ng paggamit ni Pallasigue ng umano’y ilegal na droga.

Narekober sa pinangyarihan ng raid ang tatlong sachet ng shabu, disposable lighters, at iba pang drug paraphernalia.

Speak Your Mind

*