Dating sexy star na si Sabrina M, kinasuhan na at walang inirekomendang piyansa ang korte

Isinailalim na sa Inquest Proceedings ang dating sexy star na si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay.

Ito ay matapos maaresto ng mga awtoridad sa drug bust operation nitong weekend sa kaniyang inuupahang bahay sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, non-bailable o walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kasong isinampa.

Kasama ring kinasuhan ang dalawa pang lalaki na nahuling kasama ni Sabrina.

Kasabay nito, nagbigay din daw si Sabrina ng pangalan ng mga celebrities na kaniyang kliyente sa iligal na droga na kasalukuyang bina-validate ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, hinikayat ng pulisya ang mga sangkot na celebrities na kusang sumuko para magsilbing halimbawa sa kapwa nilang artista.

Si Sabrina ang pangalawang celebrity na nadakip kasunod sa Radio Dj na si Karen Bordador.

Speak Your Mind

*