Deped, nanawagan ng mas pinaigting na police visibility sa mga paaralan

Muling nanawagan ang Department of Education sa pulisya na paigtingin pa ang kanilang police visibility sa mga paaralan.

Ito’y sa gitna ng ilang bomb threats na bumulabog sa ilang mga paaralan sa bansa.

Pinaalalahanan din ng Deped ang mga opisyal ng paaralan na paigtingin pa ang seguridad at maging mas mapagmatiyag para sa kaligtasan ng mga guro at estudyante.

Hinimok ng ahensya ang publiko na i-report ang mga impormasyon sa banta ng terorismo sa mga pulis at iwasang magkalat ng hindi beripikadong impormasyon sa social media.

 

Speak Your Mind

*