DFA, hinihintay pa rin ang liham mula sa palasyo para sa pag-imbita sa kinatawan ng UN

Hinihintay pa rin ng Department of Foreign Affairs ang liham mula kay Pangulong Rodrigo Duterte upang pormal na maimbitahan ang U.N Rapporteur na mag-iimbestiga sa umano’y Extrajudicial Killing sa bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, lilinawin muna nila sa Pangulo kung ang palasyo o DFA ang magpapadala ng imbitasyon.

Magkakaroon pa kasi ng konsultasyon ang Pilipinas at UN Rapporteur para mailatag ang Terms of Reference (TOR) o mga panuntuhan kung paano ang gagawing imbestigasyon sa umano’y Extrajudicial Killing sa bansa.

Speak Your Mind

*