DFA, kinumpirma na walang isinasagawang reclamation activities ang China sa Panatag Shoal

Walang isinasagawang reclamation activities ang China sa Panatag Shoal.

Ito ay ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.

Base aniya sa intelligence information at sa mismong impormasyon na ibinabahagi ng mga Amerikano sa kanilang surveillance ay hindi naman makikita na may ginagawang reclamation activity ang China sa nasabing lugar.

Sinabi rin ni Yasay na so far ay walang basehan ang mga suspetsa na balak ng China na magsagawa ng reklamasyon sa lugar.

Tiniyak naman ni Yasay na kung sakali man ay handa silang i-raise sa China ang ganitong mga usapin sa diplomatikong paraan.

Matatandaan na dineny ng China na mayroon silang isinasagawang reklamasyon matapos na pagpaliwanagin ng Pilipinas sa namataang Chinese Vessels sa West Philippine Sea kamakailan.

Speak Your Mind

*