DILG, naglunsad ng Project Aguila para mag-imbestiga sa mga Narco-Politician

Inilunsad na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Project Aguila na siya umanong mag-iimbestiga sa Narco-Politician sa bansa.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Ismael Sueno, sa ginanap na Pangasinan Anti-Illegal Drug Summit na dinaluhan nina PDEA Director General Isidro Lapena, Gov. AMADO “Pogi” I. Espino III, Pnp Regional Director Chief Supt. Gregorio Pimentel, Acting PNP Provincial Director Pssupt Ronald Oliver Lee at iba pa.

Ayon kay Sueno sa ilalim ng Project Aguila, nasa labindalawang abogado ang magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa lahat ng sangkot sa Narco-Politics na ibat-ibang rehiyon sa bansa.

Kabilang na sa kanilang tututukan ang mga bank account at lahat ng kanilang ari-arian ng mga sangkot na Narco-Politics.

Sa ngayon patuloy naman umano ang ginagawang revalidation ang DILG katuwang ang pdea at pnp sa mga sangkot na Narco-Politic sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*