DILG, positibo sa naka-ambang pagpapaliban ng Barangay at SK Election

Positibo ang tinitingnan dahilan ng Department of Interior and Local Government (DILG) San Carlos City sa naka-ambang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Election sa Oktobre.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Vergilio Sison, DILG Officer ng San Carlos City na katulad ng pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala din siya na makakatipad ang pamahalaan sa gastos kung ipagpapaliban ang eleksyon.

Ayon pa kay Sison, naniniwala din si Duterte na posibleng magamit ang pondo mula sa ilegal ng droga sa Barangay at SK Election.

Dahil dito, malaki umano ang paniniwala ng DILG San Carlos na lahat hakbang at ginagawa ng kasalukuyang adminisyon kasama na ang election postponement ay para sa ikabubuti ng buong bansa.

Speak Your Mind

*