Disease Control Program, proteksyon sa livestock industry ng Pangasinan

Nagpapatuloy ang Disease Control Program ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET) para sa livestock and poultry industry ng lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Dr. Eric Jose Perez, Officer-in-Charge ng OPVET, matapos makapagtala ang pangasinan noong mga nakaraang buwan ng newcastle disease.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi naman ni Perez na kontrolado na at wala nang naitatalang livestock and poultry diseases kayat walang dapat ipangamba ang publiko.

Malaking tulong umano ang mga isinagawa at pagbibigay ng bakuna sa mga backyard poultry raiser kayat naagapan ang pagkalat ng naturang newcastle disease.

Nabatid na ang lalawigan ng Pangasinan ang nangunguna sa sector ng livestock and poultry industry sa buong rehiyong uno.

Speak Your Mind

*