DOJ, tiniyak na maihaharap si Jeybee Sebastian sa pagdinig ng kongreso

Kung kinakailangan ay nakahanda umano ang Deparment of Justice na pilitin na mailabas sa New Bilibid Prison ang high-profile inmate na si Jeybee Sebastian para lamang matiyak na dadalo ito sa isinasagawang pagdinig ng House of Representative Committee on Justice.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, malamang na pilitin talaga si Sebastian kung ayaw nitong sumunod dahil kailangan aniya ito sa compulsary process.

Nilinaw naman ni Aguirre na hindi DOJ witness si Sebastian at wala rin aniya siyang ideya kung ano ang maaari nitong sabihin sa susunod na hearing.

Sinabi rin ni Aguirre na dalawang bagay lamang ang maaaring gawin ni Sebastian: ang magsabi ng totoo o magsinungaling.

Si Sebastian ang high-profile inmate sa Bilibid na itinuturong nangolekta umano ng pera mula sa iba pang preso para sa kampanya ni Sen. Leila De Lima.

Speak Your Mind

*