Dole Region 1, tiniyak na tututukan ang ipinapatupad na Endo o Contraclization

tiniyak ng Departement of Labor and Employemnt o Dole Region 1 na tututukan nila ang ipinapatupad na Endo o End of Contract o mas kilala bilang contraclization

sa isinagawang pagpupulong ng mga kinatawan ng Dole at mga stakeholder sa lungsod ng Dagupan, sinabi ni Dole Regional Director  Henry John Jalbuna, mahigpit nilang babantayan ng mga employer na nagpapatupad ng Endo o 555 sa kanilang mga empleyado.

sinabi pa ni Jalbuena na ang Endo ay ilegal na pagtatanggal ng mga employer sa kanilang empleyado na hindi sinusunod ang kontratang kanilang pinirmahan.

sakali naman aniyang may ganitong problema ang isang employer ay maaaring sumangguni sa tanggapan ng Dole Field Office o maging sa Dole Regional Office upang matalakay ang mga dapat gawin at para narin maiwasan ang pagkakaroon ng penalty.

Speak Your Mind

*