Double barrel scorecard, ipinapaskil na sa lahat ng police station sa Pangasinan

Ipinapatupad na ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO ang paglalagay ng Double Barrel Scorecard sa lahat ng istasyon ng pulisya sa buong Pangasinan.

Bahagi ito sa pinaigting na kampanya ng administrasyon ni pangulong rodrigo duterte laban sa iligal na droga kung saan sa ilalim ng Double Barrel Scorecard ay inilalagay ang accoplishment sa kada araw ng pnp

Ayon kay P/Supt. Ferdinand de Asis, Information Officer ng PPPO, layun din ng double barrel scorecard na ipakita sa publiko ang naabot sa isinagawang oplan tokhang ng pnp kabilang na dito ang bilang ng mga kinatok na bahay, sumukong drug personality at mga naaresto.

Meron din nakapaskil na bilang ng mga nakumpiskang shabu at marijuna at ang halaga ng mga ito.

Sinabi pa ng PPPO na matunay ang kanilang ipinapatupad na programa para tuluyang masugpo ang illegal ng droga sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*