Drug Abuse Resistance Education Program, inilunsad ng Calasiao PNP

Mas pinai-igting ng Calasiao Police Station ang kanilang kampanya laban sa ilegal ng droga ilinsunod sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni P/Supt. Fabiano Sudario, Officer-In-Charge ng Calasiao PNP na bukod sa kanilang Oplan Tokhang, sinimulan narin nila ang kanilang DAER Program o Drug Abuse Resistance Education.

Ani Sudario, ang DAER Program ay isang school-based drug use prevention program kung saan itinuturo ang masamang epekto sa paggamit ng iligal drugs.

Sa ilalim aniya ng DEAR Program, nag-iikot ang pulisya sa mga paaralan at humihingi ng isang oras para ipaliwanag sa mga estudyante kung ano ang ilegal drugs, kung ano ang masamang epekto nito sa kalusugan at parusang kakaharapin ng taong gumagamit nito.

Speak Your Mind

*