Drugs personality na sumuko sa Region 1, umabot na sa mahigit animnaraang libo

Umabot na sa 686,458 na mga drugs personality o mga drug users/pushers ang sumuko sa buong Region 1 simula ng ipatupad ang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga mula Hulyo a-uno hanggang Septyembre otso ngayong taon.

Ito ay batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 sa ginanap na Pangasinan Anti-Illegal Drug Summit sa Sison Auditorium, Capitol Ground sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Jeofrey Tacio, PDEA Regional Director na nagpapatunay ito na seryuso ang pamahalaan na sugpuin ang iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng anim na buwan.

Sa loob lamang umano ng sampung araw ay bumaba ng 38 porsyento mula sa 70 porsyento ang kaso ng kriminalidad tulad ng physical injury, robbery, theft at car napping.

Mangangahulugan aniya ito na may direktang ugnayan ang illegal drugs sa lahat ng uri ng kriminalidad sa bansa.

Speak Your Mind

*