DTI, isinusulong na tanggalin na ang umiiral na Price Freeze sa mga basic commodities

Isinusulong ng Department of Trade and Industry o DTI na tanggalin na ng umiiral na Price Freeze kasunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “State of National Emergency” dahil sa Davao Bombing”.

Batay sa umiiral na batas o price act of 2008, walang magiging paggalaw sa presyo ng mga basic commodities gaya ng mga produktong delata, noodles, kape, gatas, asukal, tinapay, sabon, shampoo, at toothpaste.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, DTI Provincial Director na may pagkakataon ay mas magandang maalis na ang umiiral na Price Freeze dahil wala namang epekto sa presyo at suplay ng mga pangunahing bilhin sa Luzon ang kaguluhan sa Mindanao.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Mangabat na regular ang kanilang isinasagawang monitoring sa malalaking groceries sa Pangasinan particular na dito sa lungsod ng Dagupan upang mabantayan ang posibleng lumabag sa umiiral na batas.

Speak Your Mind

*