DTI, nagpaalala sa mga negosyante na mahigpit na ipinapatupad ang price freeze

Nagpaalala ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na mahigpit na ipinapatupad ang price freeze sa mga produkto at pangunahing bilihin.

Ito ay dahil sa umiiral na State of National Emergency na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bunga ng pagpapasabog sa lungsod ng Davao na ikinasawi ng labin lima katao.

Ayon kay DTI Provincial Director Engr. Peter Mangabat, kabilang sa hindi dapat gumalaw ang presyo ng produkto gaya ng mga delata, noodles, kape, gatas, asukal, tinapay, sabon, shampoo, at toothpaste.

Kasabay nito, tiniyak din ni Mangabat na regular silang nagsasagawa ng monitoring sa malalaking groceries sa pangasinan particular na dito sa lungsod ng Dagupan

Babala pa ng DTI na ang mahuhuling mga negosyante na lumabag sa price freeze ay posibleng maharap sa kaso dahil sa hindi pagsunod sa Consumer Price Act of 2008.

Speak Your Mind

*