DTI, nagsasagawa ng pagsasanay kaugnay sa financial statement ng isang negosyante

nakatakdang isagawa ngayong araw, Septyembre a-bente sais ang isa sa mga isinasagawang pagsasanay ng Department of Trade and Industry sa ilalim ng kanilang SME Roving Academy.

ito ay ang Managerial Entrepreneur Training kabilang na ang pagsasanay sa preparation and anylisist finance statement.

ayon kay Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, tinuturuan ng DTI ang mga negosyante na nasa micro, small and medium enterprises (MSMES) sa paggawa ng kanilang financial statement.

mahalaga aniya ito para sa mga negosyante upang magkaroon sila ng kaalaman sa pakikipag-transaksyon sa anumang government o private oranigazation.

dagdag pa ni Dalaten na dapat alam ng isang negosyante ang financial status ng kanyang negosyo.

Speak Your Mind

*