Duterte, handang talakayin ang isyu ng West Philippine Sea sa Vietnam

Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dalawang araw na State Visit sa Vietnam simula sa Miyerkules.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, tatalakayin ng Pangulo doon ang isyu sa West Philippine Sea para tiyakin ang mapayapang pagresolba sa usapin.

Sa kanyang State Visit, nakatakdang bumisita si Duterte kay Vietnam President Tran [Shan] Dai Quang at mag-courtesy call sa iba pang opisyal ng Vietnam.

Haharap din si Duterte sa Filipino Community kung saan nasa halos apat na libong Filipino ang naroon.

Ang pagbisita ni Duterte sa Vietnam ay kasabay na rin ng apatnapung anibersaryo ng Diplomatic Relations ng Pilipinas at Vietnam.

Speak Your Mind

*