Duterte, plano ang pagpapatupad ng Smoking Ban sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Muling ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano niya na ipatupad ang Smoking Ban sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa pagdalo niya sa awarding ng mga Child-Friendly Municipalities at paglagda sa implementing rules and regulations ng Centenarians Act of 2016.

Sinabi pa ni Duterte na mayroon siyang buerger’s disease, isang sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo, kung kaya’t ayaw niya na magkaroon ng smoking zone.

Matatandaan na una nang ipinatupad ni Duterte ang Smoking Ban sa Davao City noong siya pa ang alkalde ng lungsod.

Ginawaran rin ang Davao City noon ng World Health Organization bilang magandang halimbawa ng pagpapatupad sa no-smoking policy sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*