Duterte, tiniyak na makukulong si Sen. De Lima

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice na ihanda na ang mga kasong isasampa laban kay Senador Leila De Lima.

Nakatakdang isampa ang kaso pagkatapos ng isinasagawang imbestigasyon ng kamara kaugnay sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na makukulong si De Lima dahil na rin sa mga hawak nitong ebidensiya laban sa senadora.

Sinisisi din ni Pangulong Duterte ang mga pilipino na bumoto sa isang senador na kabilang sa Narco-Politics.

Binigyang diin ni Duterte na maraming kaso ang pwedeng isampa laban kay De Lima at isa na dito ang kaso kaugnay sa droga.

Speak Your Mind

*