Earthquake Drill sa PSU Campus Lingayen, pinangunahan ng PDRRMO

Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang isinagawang earthquake drill sa Pangasinan State University (PSU) sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO, ay bilang bahagi sa kanilang disaster preparedness at disaster response.

Layun umano nito na bigyang kaalaman at maihanda ang mga estudyante sakaling maranasan ang kalamidad gaya ng lindol.

Aminado rin ang PDRRMO na marami pang dapat i-improve sa kahandaan ng paaralan at mga estudyante lalo na sa panahon ng lindol.

Samantala, pinaplano na ang PSU Campus sa Lingayen na isama sa pagtuturo ang Disaster Preparedness at bumuo ng unit na tututok sa kanilang emergency response.

 

Speak Your Mind

*