Eco-Tourism Site at umanong planta ng Black Sand Mining, ininspeksyon ng PPPO

Nagsagawa ng site inspection ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa Eco-Tourism Site at umanong planta ng Black Sand Mining sa Brgy. Estanza, sa bayan ng Lingayen.

Ito ay bilang bahagi sa imbestigasyon ng PPPO matapos masangkot ang pangalan ni dating pangasinan governor at ngayo’y 5th District Rep. Amado Espino jr sa drug matrix na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, Officer-in-Charge ng PPPO, kailangan nilang makita at malaman kung anung meron sa eco-tourism site dahil base sa inilabas na drug matrix chart ay may nag-uugnay sa isyu ng black sand mining.

Nilinaw naman ni Lee na ang kanilang isinagawang inspeksyon ay hindi nangangahulugan na mayroong shabu laboratory sa naturang lugar.


Iba pang personalidad sa Pangasinan na sangkot sa drug matrix, sasailalim din sa imbestigasyon ng PPPO

Nilinaw ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na ang isinagawang inspection sa Eco-Tourism Site ay unang hakbang palang sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa drug matrix sa New Bilibid Prision.

Ito ang inihayag ni OIC Provincial Director Police S/Supt. Ronald Oliver Lee, kaugnay sa isinagawang inspeksyon sa Eco-Tourism Site at umanong planta ng black Sand Mining sa bayan ng Lingayen.

Ayon pa kay Lee, marami pang isasagawang imbestigasyon ng PPPO kabilang na rito ang iba pang personalidad na umanoy sangkot sa New Bilibid Prision drug matrix.

Dagdag pa ni Lee na nakatakda namang dalhin sa Regional Polce Office ang makakalap na impormasyon dahil may binuo nang investigating body.

Nabatid na dahil nasama sa drug matrix chart ang black sand mining na nag-uugnay kay dating Pangasinan Governor at ngayo’y 5th District Rep. Amado Espino Jr kaya isinagawa ang naturang inspeksyon.

Speak Your Mind

*