First Woman Chess Grandmaster si Janelle May Frayna, pararangalan

Nakatakdang bigyan ng Certificate of Commendation sa darating na lunes ang first Woman Chess Grandmaster na si Janelle May Frayna sa lungsod ng Naga.

Ayon sa mga opisyal, kahit na mula sa lalawigan ng Albay si Frayna karapat-dapat lang umano na bigyan ito ng parangal ng lungsod dahil buong rehiyong Bicol ang binigyan nito ng karangalan matapos ang kanyang tagumpay.

Maaalala na una ng binigyan ng Grand Welcome Honor si Frayna nang umuwi ito sa lungsod ng Legazpi.

Nakuha ni Frayna ang pagiging Unang Woman Chess Grandmaster ng Pilipinas sa katatapos pa lamang na 42nd World Chess Olympiad na isinagawa sa Azerbaijan.

Speak Your Mind

*