Floyd Mayweather Sr., gustong muling lumaban ang anak para malagpasan ang boxing record ni Rocky Marciano

Umaasa si Floyd Mayweather Sr. na muling sasampa sa ibabaw ng boxing ring ang anak na si Floyd Mayweather Junior.

Ayon kay Floyd Sr., gusto niyang malampasan ng kanyang anak ang boxing record ng Legendary American Boxer at Undefeated World Heavyweight Titlist na si Rocky Marciano.

Isa sa mga matunog na pangalan na posibleng makalaban ni Mayweather Jr. ay si UFC Champion Conor Mcgregor.

Matatandaang nagretiro si Floyd Jr. noong isang taon matapos talunin si dating Welterweight Champion Andre Berto.

Speak Your Mind

*