Gilas 5.0, tiwala na malalagpasan ang hamon sa 2016 FIBA Asia Challenge

Kumpiyansa ang coaching staff ng Men’s National Basketball team na tinaguriang Gilas 5.0 na malalampasan nila ang malaking pagsubok sa 2016 FIBA ASIA Challenge sa Tehran, Iran.

Tumulak na kagabi ang Gilas upang simulan ang kanilang kampanya sa sabado ng madaling araw.

Unang makakaharap ng mga pinoy ang National team ng India at sa lunes naman ang laban nila sa Chinese-Taipei.

Duda ang maraming basketball fans sa kahihinatnan ng Gilas 5.0 dahil binubuo ito ng ilang amateur at semi-professional athletes.

Kapansin-pansin na wala ang naturalized player na si Andray Blatche at ilan pang malalaking pangalan ng PBA Players.

Magtatapos ang FIBA Asia challenge sa September 19.

Speak Your Mind

*