Grupong Bayan, magsasagawa ng kilos protesta sa ika-100 araw ni Pangulong Duterte

Naghahanda na ang mga grupong kaanib ng bayan para sa isasagawang kilos protesta sa oktubre a-otso para sa ika-isandaang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga isyu na ipapanawagan ng grupo, ang pangakong pagpapatupad ng mga mahahalagang repormang Socio-Economic para maiangat ang kalagayan ng mahihirap at pagsusulong sa usapang pangkapayapaan.

Muling ipapanawagan ng grupong bayan ang tuluyang pagwawakas ng kontraktwalisasyon, pagpapatupad ng National Minimum Wage, tunay na reporma sa lupa at pagtigil sa privatization ng mga serbisyong panlipunan.

Hiling din ng grupo ang pagpapalaya sa mga political prisoners, pag-alis ng mga military sa mga kanayunan at pagtigil sa pang-aabuso ng mga pulis sa giyera kontra droga.

Tinututulan din ng grupo ang nakatakdang US Military Exercises sa oktubre a-kuwatro.

Speak Your Mind

*