Guidelines para sa State of National Emergency, inilabas 

Inilabas ng Malakanyang ang Memorandum Order Number three na nagsasaad ng guidelines para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na pigilan ang “Lawless Violence”.

Iginiit ni Executive Secretary Salvador Medialdea na bahagi ng batas ang warrantless arrests, searches at seizures para mapigilan ang lawless violence.

Ani Medialdea, nais nilang makita na nirerespeto at hindi natatapakan ang karapatan ng mga mamamayan.

Limitado rin ang checkpoints sa mga sasakyan sa pagro-rolldown ng bintana ng sasakyan, at paghingi ng identification at vehicle registration papers.

Wala umanong ire-request na buksan ang trunks ng sasakyan o palabasin ang pasahero.

Speak Your Mind

*