Habang papalabas sa Par si Bagyong Helen, isa na namang bagong bagyo, namataang papalapit sa Pilipinas.

Napanatili ng Bagyong Helen ang lakas nito kahit nag-landfall na ito sa Taiwan kahapon ng hapon.

Sa Weather Forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 400 kilometer sa hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 225 kilometro bawat oras.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Signal Number One sa Batanes Group of Islands.

Habang papalabas sa Philippine Area of Responsibility si Helen, isa na namang bagong bagyo ang namataang papalapit sa Pilipinas.

Taglay ng papalapit na bagyo ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras habang kumikilos palapit sa Pilipinas sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Speak Your Mind

*