Piso kontra dolyar, bumulusok sa pinakamababang antas

Bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng pitong taon ang Piso kontra Dolyar kahapon.

Nagsara ang Piso sa 48.25 kontra isang Dolyar kahapon, na pinakamababang inabot ng antas nito mula nang magsara ito ng 48.335 kontra $1 noong September 15, 2009.

Ito’y sa harap na rin ng mga agam-agam ng mga investors sa mga Polisiya at kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Tumaas ang total volume ng trade sa $758.5 Million mula sa $590.5 Million sa noong nagtapos ang nakaraang linggo.

Paliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando M. Tetangco jr., ang paggalaw sa halaga ng Piso ay sumasalamin sa nagpapatuloy na agam-agam sa susunod na policy action ng US Federal Reserve.

Speak Your Mind

*