Ibat-ibang aktibidad, ikakasa kasabay sa selebrasyon ng Civil Service Month

Ibat-ibang aktibidad ang isasagawa ngayong buwan ng Septyembre ng Civil Service Commission (CSC) Region 1 kasabay ng kanilang selebrasyon ng Civil Service Month.

Kabilang na rito ang Fun Run sa Poro Point, Pogo La Union na gaganapin ngayong September 2 at Bloodletting Activity Dubbed “Dugong Alay, Dugtong ng Buhay” sa September 16 na gaganapin naman sa CSC-1 training center.

Ayon kay Marichu Cuison, Chief Human Resource Specialist ng CSC-1 magkakaroon din ng Recognition and Awards Night na gaganapin sa September 15 at ang simultaneous tree-planting activity na isasagawa naman sa darating na September 30

Ang mga aktibidad naman ngayong taon ay naka-akma sa temang “Sigaw ng Lingkod Bayani: malasakit para sa taumbayan, kapwa kawani at kalikasan” kayat hinihikayat ng CSC ang publiko na makiisa sa mga aktibidad na may hashtag na #Malasakitism.

Speak Your Mind

*