Ilang miyembro ng gabinete ng nagdaang Administrasyon, posible nakinabang din sa drug trade

Ilang miyembro ng gabinete ng nagdaang Administrasyon ang posible umanong nakinabang rin sa illegal drug trade maliban kay dating Justice Secretary at ngayo’y Senador Leila De Lima.

Gayunman, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, wala pang ebidensiya na magpapautnay nito at patuloy pa silang naghahanap ng mga leads.

Nilinaw rin ni Aguirre na hindi siya kundi si De Lima ang nag-drag sa pangalan ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu.

Hindi aniya niya binanggit ang dating Pangulo kundi sinabi lang aniya ni Aguirre na maaaring may iba pang opisyales na mas mataas kay De Lima ang sangkot rin sa operasyon ng iligal na droga.

Speak Your Mind

*