Ilang miyembro ng minority sa kongreso, hindi pabor na ibalik ang Philippine Constabulary

Hindi komporme ang ilang miyembro ng minority sa kongreso o ng Legitimate 8 sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Philippine Constabulary o PC.

Ayon kina Albay Representative Edcel Lagman at Akbayan Partylist Representative Tom Villarin, masama ang imahe at reputasyon ng PC noong panahon ng Marcos Dictatorship.

Tinawag rin ni Villarin na “Knee-Jerk Reaction” ang planong ito ng Pangulo na wala naman aniyang feasibility study na mag-ju-justify kung bakit ito dapat ibalik.

Sinabi rin ng mambabatas na bakit hindi na lamang i-improve ang Philippine National Polioce kaysa isipin pang ibalik ang PC.

Speak Your Mind

*