Ipinapatupad na batas laban sa kaso ng rabies, dapat magkaroon ng pangil

Dapat makaroon ng pangil sa pagpapatupad na batas hinggil sa Responsible Pet Ownership Act o Republic Act 9482 upang mabawasan ang kaso ng rabies sa Pangasinan.

Ito ang iginiit ni 4th District Board Member Jeremy Gerico Rosario, Committee Chairman on Health, kung saan sa 47 Local Government Unit (LGU) sa Pangasinan, 34 na bayan at lungsod lamang umano ang may ipinapatupad na ordinansa hinggil sa tamang pag-aalaga ng aso.

Sinabi pa ni Rosario na dapat magkaisa ang ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Education sa pagpapaigting sa naturang batas.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang anti-rabies vaccination ng Provincial Health Office (PHO) sa mga Municipal Health Center at mga barangay upang mamonitor at makita ang maaaring solusyon sa pagtaas ng kaso ng rabies.

Speak Your Mind

*