Isabelle Daza, handang-handa na sa kasal bukas sa Italy

handang-handa na ang aktres na si Isabelle Daza sa kanyang kasal bukas kay Adrien Semblat.

Ito ay sakabila ng ilang aberya sa kanilang wedding preparation.

Sa twitter post ng aktres, ayaw umanong i-release ng Custom Office sa Rome ang ilan sa kanilang wedding giveaways.

Sa kabila naman ng aberya, patuloy pa rin ang last minute preparation ng aktres para sa kanyang kasal.

Nagsidatingan na rin ang pamilya ng aktres at ni Adrien na nagmula pa sa France.

Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Castello Di Gargonza sa Tuscany, Italy.

Speak Your Mind

*