Isang barangay at dalawang sitio sa lungsod ng Dagupan, drug-free community na ayon sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may isang barangay at dalawang sitio sa lungsod ng Dagupan ang drug-free community na simula nang ipatupad ang mahigpit na kampanya kontra ilegal na droga.

ito ay ang barangay Mamalingling, habang ang Sitio Aling naman sa barangay Pantal, at Sitio Silungan sa barangay Bonuan Binloc.

ngunit ayon kay P/Supt. Neil Miro, Officer-In-Charge ng Dagupan City PNP, ang barangay Pantal at Binloc, kasama na ang barangay Malued, Lucao at Carael ay patuloy na tinututukan sa kanilang Anti-drug Operations.

nabatid na simula ng ipatupad ang Oplan Tokhang sa lalawigan, nakapagtala na ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ng 31 drug-free barangays mula sa 1,333 barangays sa Pangasinan kung saan 10 barangay dito ay mula sa bayan ng Sto.tomas.

Speak Your Mind

*