Isinagawang imbestigasyon sa pasilidad na pag-aari ni Cong. Celeste, wala pang resulta

Wala pang resulta sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa bahay at iba pang pasilidad na pag-aari ni 1st District Congressman Jesus Celeste.

Una rito, personal na humiling ng inspeksyon si Celeste sa kanilang bahay, resort at sa umanoy bangka na pinaglulutuan ng shabu upang patunayan na wala siyang kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, Officer-in-Charge ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO), katuwang sa isinagawang imbestigasyon ang ilang kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency, Criminal Investigation and Detection Group, Provincial Health Office at ibang law enforcement agency.

Sinabi naman ni Lee na posibleng abutin pa ang isang linggo bago makuha ang resulta ng mga isinagawang imbestigasyon

Naturang hakbang ay bahagi na rin ng imbestigasyon sa pagkakadawit ni Celeste sa iligal na droga matapos itong makasama sa binanggit na narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*