Janellee Mae Frayna, kauna-unahang Woman Chess Grandmaster ng Pilipinas

Tinanghal bilang kauna-unahang Woman Chess Grandmaster ng Pilipinas ang beinte anyos na si Janelle Mae Frayna.

Ito ay matapos masungkit ang panalo sa third at final Women Grandmaster result kontra kay International Master Daavademberel Nomin-Erdene sa 1.5-2.5 decision sa ninth round ng 42nd World Chess Olympiad sa Baku Azerbaijan.

Nakaiskor si Frayna ng anim na puntos sa apat na panalo at apat na draws kontra sa isang talo sa loob ng siyam na laro.

Bago makamit ang tagumpay ay dumaan muna si Frayna sa butas ng karayom dahil sa bigatin niyang mga kalaban.

Kabilang sa kaniyang mga nakalaban ang tatlong grandmasters, ang isang may hawak ng Men’s International Master Title na si Nomin Erdene, at dalawa pang Women International Masters na sina Sabrina Latreche ng Algeria at alejandra Guerrero Rodriguez ng Mexico.

Speak Your Mind

*