Jeslyn Santos, naiuwi ang korona sa Miss United Continents 2016

Naiuwi ni Miss Philippines Jeslyn Santos ang korona sa katatapos lamang Na Miss United Continents 2016 na ginanap sa Palacio De Cristal sa Ecuador.

Pinataob ng Pinay Beauty Queen ang dalawampu’t pitong kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Ito naman ang kauna-unahan para sa Pilipinas na mapanalunan ang nasabing title at unang beses rin na may nakakuha ng nasabing titulo mula sa Asya.

Samantala, tinanghal naman na first runner-up ang kandidata ng Denmark, sunod ang India, third runner-up ang Brazil, at fourth runner-up ang kinatawan ng Mexico.

Speak Your Mind

*