Jodi Sta. Maria at “Bridges of Love”, nominado sa Int’l Emmy Awards!

Muli na namang kinilala sa International Emmy Awards dahil nakakuha ng nominasyon ang kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at ang teleseryeng “Bridges of Love” para lumaban sa prestihiyosong kumpetisyon ngayong taon.

Tumanggap ng nominasyon si Jodi para sa kanyang natatanging pagganap bilang si Amor Powers sa 2015 remake ng “Pangako sa ‘Yo.”

Lalaban siya sa best performance by an actress Category kasama sina judi Dench (United Kingdom), Grazi Massafera (Brazil), at Christiane Paul (Germany).

Samantala, makikipagtunggalian ang “Bridges of Love” sa Best Telenovela Category sa mga telenovela mula sa Canada at Brazil.

Tanging si Jodi at ang “Bridges of Love” lang mula Pilipinas ang nakasama sa 40 nomi­nees na kinilala sa sampung kategorya at 15 bansa sa International Emmy Awards ngayong taon.

Speak Your Mind

*