Kahalagahan ng New Born Screening, iginiit ng DOH Regional Office 1

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) Region 1 ang kahalagahan na sumailalim sa New Born Screening (NBS) ang isang sanggol.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Dr. Adrian Doctolero, New Born Screening Coordinator ng DOH-Region 1 sinabi nito na sa pamamagitan ng New Born Screening ay makikita kung ang isang sanggol ay may namanang sakit.

Kabilang na umano rito ang Mental Retardation at Congenital Disorder na maaaring mauwi sa maagang pagkamatay ng sanggol.

Sinabi pa ni Doctolero na ang kondisyon ng sangol na hindi makikita sa panlabas na anyo sa oras ng kanyang pagkapanganak, ngunit dahil sa New Born Screening ay madali na itong makita at malapatan ng lunas.

Aniya, dapat ay hindi lalampas sa 24 oras pagka-panganak hanggang sa 28 days ng isang sanggol ay maisailalim na ito sa New Born Screening.

Speak Your Mind

*