Kampanya kontra droga ng Duterte Administration suportado ng Filipino Community ng Vietnam

Malayo man sa Pilipinas ang libu-libong mga Pilipino na kasalukuyang nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers sa Bansang Vietnam ay nakatitiyak si Pangulong Rodrigo Duterte na suportado ng mga ito ang kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Ito ang binigyang diin ni Feliciano Felix Pangulo ng Felcon Construction na mahigit dalawang dekada nang nagtatrabaho sa Vietnam.

Ayon kay Feliciano, pabor ang mga Pilipino sa Vietnam sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Duterte para matuldukan ang iligal na droga sa bansa dahil para naman aniya ito sa ikabubuti ng susunod na henerasyon.

Ngayong araw nakatakdang dumating sa Vietnam si Duterte para sa isang Official Visit at mamayang gabi naman ay gaganapin ang pakikipagpulong nito sa Filipino Community dito.

Speak Your Mind

*