Kaso ng acute gastroenteristis sa Pangasinan, mahigit animna libo na

Umabot na sa mahigit animnalibong kaso ng acute gastroenteristis ang naitatala sa lalawigan Pangasinan simula buwan ng Enero hanggang Septymenbre ngayong taon.

Mas mababa ng kaunting porsyento ang naitalang bilang na 6,260 ngayong taon kumpara noong nakarataong 2015 na umabot sa 6,316

Ganumpaman, nababahala na ang Provincial Health Office (PHO) sa umabot narin sa dalawamput isa (21) na ang naitatalang namatay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay PHO Officer Dra. Anna Marie de Guzman, karaniwang nakukuha ang sakit na acute gastroenteristis tuwing panahon ng tag-ulan kung saan madaling makontamina ang inuming tubig at mga pag-kain.

Dahil dito, ipinapayo na siguraduhing malinis ang inihahandang pagkain at iniinum na tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng acute gastroenteristis.

Speak Your Mind

*