Kaso ng dengue sa Pangasinan, bumaba sa labinapat ng porsyento

Bumaba ng nasa labinapat na porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Ito ayon kay Rhodhalia Binay-An, Nurse Coordinator at Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng PHO, kung saan naitala ang 1,938 dengue cases ngayong taon, pero mas mababas sa dating 2,241 dengue cases noong 2015.

Sinabi ni Binay-An na mas mataas naman ang naitalang kaso ng namatay ngayon taon na umabot na sa labing apat kumapara sa walo noong nakaraang taon.

Karaniwan nanam umanong biktima ng degue ang mga bata na nasa edad sampu hanggang labinapat na taong gulang na mga lalaki.

Samantala, patuloy naman binabatayan ng PHO ang mga lugar na may mataas ang kaso kabilang na ang mga bayan ng Asingan, Pozzorubio, San Carlos City, San Fabian, Mangaldan, Alaminos City, Malasiqui, Calasiao, Umingan, Mabini Bayambang at Sta. Maria.

Speak Your Mind

*