Kim Chui, sinagot ang isang basher na pumuna sa kanyang pagho-host

Matapang na sinagot ng aktres na si Kim Chui ang isang basher na pumuna sa kanyang pagho-host sa isang noontime show sa Kapamilya network.

Una nang tinawag ng basher na bungisngis at nakakairita ang tawa ng aktres.

Sinabi pa ng basher na sana ay ibang guest co-host na lang ang kinuha ng show.

Sinagot naman ni Kim ang nasabing basher at sinabing, “pasensya po. Tao lang!! God bless ate!”

Sunod-sunod pa ang naging tweet ng basher laban kay Kim na hindi na rin pinansin ng aktres.

Speak Your Mind

*