Koordinasyon ng kumunidad, mahalaga para tumayo ang isang kaso ayon sa NBI

Mahalaga ang koordinasyon ng kumunidad para magtagumpay ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ito ang panawagan ng National Bureau of Investigation o NBI Pangasinan Chapter kaugnay sa sunod-sunod na naitatalang death under investigation  sa lalawigan.

Ayon kay Norlo Galang, Special Agent ng NBI, dapat bahagi ang kumunidad sa pagbibigay tulong sa mga otoridad upang tumayo ang isang kaso laban sa mga lumalabag sa batas.

Dapat marunong din umanong manindigan ang publiko sa pagbibigay ng reklamo at testigo laban sa mga gumagawa ng tama.

Speak Your Mind

*