Listahan ng mga drugs personality, dumadaan sa validation – San Manuel PNP

Tiniyak ng San Manuel Police Station na dumadaan sa mahigpit na validation ang kanilang natatanggap na listahan ng mga drugs personality mula sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ito’y kasunod ng pangamba ng marami na maaaring malagay sa listahan ang mga inosenteng tao na hindi sangkot sa ilegal drug.

Sinabi ni Police Chief Inspetor (PCI) Christopher Valerio, Chief of Police ng San Manuel Police Station na mahalaga na dumaan sa kanilang validation upang masiguro na may kinalaman sa iligal ng droga ang mga nasa listahan.

Samantala, kasabay sa banta ng terorismo matapos ang ginawang pagpapasabog sa Davao City, mas pinapaigting ng pulisya ang pagmomonitor lalot ang bayan ng San Manuel ay may dalawang source na pinagmumulan ng enerhiya.

Ang tinig ni Police Chief Inspetor Christopher Valerio, Chief of Police ng San Manuel Police Station sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*